13th Chapter
Please log in to disable ads.
13th Chapter
Please log in to disable ads.
13th Chapter
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.


Fellowship of the Friends
 
Home  Underground  GalleryGallery  Latest imagesLatest images  Log inLog in  RegisterRegister  

Share | 
 

 a very short story...

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
shin

shin

Reputation : 0
Registration date : 2009-03-19

a very short story... _
PostSubject: a very short story...   a very short story... EmptyMon Mar 23, 2009 10:41 am

Una ko siyang nakita, pare, noong enrolment. Di naman siya kagandahan sa katunayan, average din ang height, medyo lang maputi nang hindi naman mestisahin. Pero makinis ang kutis niya at mahaba ang buhok, na siyang unang tumawag ng pansin ko. Partial kasi ako sa mahabang buhok, na para sa akin ay simbolo ng isang babaeng masinop at matiyaga. Kaya lagi akong nakatingin sa kanya habang nakapila kami. Buti na lang nauuna siya sa akin kaya nakatalikod, pero siguro ay nag-iinit ang batok niya sa katitingin ko. Paminsan-minsan ay lumilinga din siya, pero dahil lahat ng nakasunod sa kanya ay nakatingin din pag lumingon siya, pare, di niya matiyak kung sino ang laging nakatingin sa kanya. O maaari rin namang lahat kami ay nagagandahan sa kanya kaya lahat nakatingin.
Kaya ang tuwa ko nang malamang kaklase ko pala siya sa ilang subjects, at sa isa ay katabi ko pa ng upuan dahil magkasunod sa lista ang apelyido namin. De Villa ako, siya naman ay
de Vivarre, Ederlyn. Pambihirang pangalan at apelyido, pero me indayog pag binigkas. Ederlyn de Vivarre…very nice, no?

At eto pa. Nang medyo magkapalagayan na kami, nalaman kong magkalapit-bayan lang kami, pare, at alam ko ang lugar nila. Di kalayuan iyon sa amin --- mga sampung kilometro lang— konti pa ang nakatira dahil medyo liblib, pero me kalsada na papunta doon. Samakatuwid ay maaari siyang puntahan kung kinakailangan, bagay na sa una pa lang ay may kutob na akong di maglalaon ay kakailanganin nga.
Paano ba naman, mabilis pa sa alas-kuwatro e naramdaman ko agad na umiibig ako sa kanya. At di lang basta crush o infatuation anuman ang mga iyon, pare, kundi iyong pag-ibig na sinasabi ng mga makata, iyong masidhi, marubdob, na makagagawa ka ng tula kahit di ka makata dahil ang tingin mo sa lahat ng bagay ay kaaya-aya pag nandiyan siya. At kung wala naman ay para kang namatayan ng kaibigang kababata na kalaro-laro mo na mula pa noong hindi pa kayo nagpapantalon. Hindi ka kumpleto; hindi buo ang mundo mo. Kulang sa elemento. Hungkag. Basta ganun. Mahirap ipaliwanag, e. Sabi nga, dinaranas lang daw ang pag-ibig, hindi ipinaliliwanag dahil hindi kaya. Experienced, not explained, sabi daw.
Bakit nga ba ganoon, ano? Kung ang pag-ibig ay nasa puso, bakit ulo ang nasisira? Dahil para akong sira-ulo talaga pag wala siya, lalo sa weekend o holiday na walang pasok. Sabik na sabik akong makita siya, halimbawa, sa classroom, tapos di siya darating. Punebre na sa akin ang buong maghapon na iyon. Buryong akong di maintindihan, galit na wala naming kinagagalitan, bwisit sa lahat nang wala namang dahilan.
Sa weekend naman o holiday na alam kong walang pasok at di ko siya makikita, kung pwede lang ay hilahin ko ang mga oras para bumilis ang pagdaan ng araw. Gusto ko lagi nang bukas na, para makita ko na siya. Minsan naman ay idinadaan ko sa panonood ng sine para malibang, pero di ko naman maintindihan ang istorya ng pinanonood ko. Siya lagi ang nasa isip ko: ang mukha niya nasa aking balintataw, ang boses niya naririnig ko, pati ang halimuyak ng shampoo niya naaamoy ko. Magkaminsan nga ay kinakausap ko siya kahit na wala siya, at ini-imagine ko ang mga sagot niya. Wala din ako sa realidad kapag wala siya. Ganoon ako kabu-ang dahil sa kanya, pare.
O kaya ay idinadaan ko sa tulog ang maghapon. Kaya lang pag napaidlip ako sa araw, me insomnia naman ako sa gabi. Pabiling-biling sa higaan, di mapapikit. Natuto na rin akong manigarilyo dahil doon. Kaya siguro pati lamok sa amin nagka-kanser dahil sa sigarilyo ko. Nangonti e.
Pero hindi iyon ang problema, pare. Actually, ang pinakaproblema ko ay paano ko sasabihin sa kanya na mahal ko siya, na gusto ko siyang maging girlfriend, nang hindi niya iisiping sinamantala ko ang pagiging magkaibigan o magkababayan namin. Iyong maniwala siya na talagang mahal ko siya at hindi biru-biro ang inilalahad kong pag-ibig. Ganoon pala iyon, ano? Pag talagang pagmamahal ang nararamdaman mo alalang-alala ka na baka mamis-interpret ang damdamin mo. Takot kang mawala o masayang ang pag-ibig mo pag hindi ginanti, kaya ingat na ingat ka sa bawat hakbangin. Parang mas gusto mo pang mabuhay sa pansamantalang mundo ng imahinasyon ng inyong pagmamahalan, kesa sa realidad ng kasalukuyan, sa katotohanang wala ka pang ginagawa para sa sinasabi mong pag-ibig. Matagal ako sa ganoong lagay, pare.
Hanggang finally nasabi ko rin ang dapat sabihin. Kasi patapos na ang semester, bakasyunan na ilang araw na lang, kaya kung di ko sasabihin, kalbaryo sa akin ang mga susunod na panahon. So gumawa ako ng maikling sulat at saka pasalising isiningit ito sa libro niya minsang magkatabi kami ng upuan. Andap ang kalooban ko kinabukasan, pero ni hindi siya tumingin sa akin. Patay, sabi ko. Nagalit yata sa kapangahasan ko. E takot naman akong lapitan siya at baka singhalin ako, magmukha akong basang sisiw. Maaawa ako sa sarili ko; o magagalit sa kanya. Ayaw ko alinman doon, kaya sa loob ng isang linggong naiiwan bago bakasyon, pare, para kaming hindi magkakilala: hindi siya tumitingin sa akin, hindi ko rin siya kinakausap. Ang hirap pala ng ganoon, para akong may patong na singkaw sa kalabaw. Ang bigat ng damdamin ko, na hindi ko naman mailabas. Hindi ko alam kung paano ako nakaraos sa araw-araw noon. Ang alam ko lang wala akong maalala sa mga sinabi ng lahat ng professors namin bago kami maghiwa-hiwalay.
Nang huling araw na ng eskuwela, desperado na ako kung ano ang gagawin ko para lang di kami magkalayong may samaan ng loob. Ang sabi ko sa sarili ko, pare, kakausapin ko siya anuman ang mangyari, hihingi ako ng patawad, pasensiya, at parusa kung kailangan, magbati lang uli kami. Maging magkaibigan uli kami. Kahit hanggang doon lang, okay na sa akin. Saka na iyang pag-ibig pag-ibig na iyang lintik. Titiisin ko na lang, susupilin ko ang nararamdaman ko, magkukunwari ako habampanahon, mabalik lang sa dati ang samahan namin. Di bale nang masira ang ulo ko sa ganoon, pare, kasi pag hindi lalo lang mabilis masisira ang tuktok ko.
Kaya lang bago ako nakakilos para lumapit sa kanya, nasa harap ko na siya. At bago ako nakahuma, iniabot niya ang isang nakatiklop na papel sa akin sabay sabing, “Mamaya mo basahin pag nakaalis na ako.” Tinanggap ko ang papel, at pag-angat ng ulo ko nakatalikod na siya. Ni ha, ni ho, wala akong nasabi, pare. Iyong mga salitang pinag-aralan kong maigi para sabihin sa kanya, nawalang lahat. Ang pagluhog ko ng patawad, ang mga pakiusap na pinag-isipan kong mabuti paano sabihin, di ko na naalala. Ang sa aking isip noon ay katuwaan, dahil kinausap niya ako! Hindi siya totoong galit! Buhay na uli ako! Masaya na uli ang mundo! Parang gusto kong maglulundag sa tuwa noon, at kung hindi nagdatingan ang mga estudyante sa susunod na period naglulundag talaga ako sa tuwa. Dahil napakagaan ng pakiramdam ko. Dahil hindi galit si Ederlyn!
Binuklat ko ang papel. Sulat. Magkita daw kami malapit sa bahay nila. Alas seis y media ng gabi, 17 April. Merong may birthday sa kanila, at bisita niya ako. Alam mo, pare, iyon lamang ang panahong hindi ko ininda ang mabagal na pag-usad ng mga araw.
Sa madali’t sabi ay dumating ako sa tipanan sa eksaktong oras. Di ko pa nai-stand ang motor na hiniram ko ay dumating na si Ederlyn sakay ng tila tiburin, hila ng isang abuhing kabayo. Pagtapat sa akin, sinabi niya, “Sakay na.” Pag-upo ko ay pinitik niya ang renda at umarya na kami.
Di naman nagtagal pumasok kami sa isang malawak na bakurang may isang medyo makalumang bahay, na ni sa hinuha ay di ko naisip na meron sa lugar na iyon. Sinalubong kami ng isang mag-asawang medyo mestisuhin, matatangkad at dilawin ang buhok, na ipinakilala ni Ederlyn na mga magulang niya. Malugod naman akong tinanggap ng dalawa at inanyayahang pumasok.
Sa loob, ang bulwagan ay puno ng mga bisitang may edad na rin ang iba, nguni’t mayroon ding mga kabataang tulad ko. Ang napansin ko agad, pare, ay tila lahat sila ay mestisuhin tulad ng magulang ni Ederlyn, at ako lamang yata ang Indio sa gitna ng mga Kastila. Pero dahil magaan naman ang pakikitungo nila sa akin ay nalimutan ko kalaunan na ako ang naiiba at hindi sila. Kuwentuhan, tawanan, biruan, at tampok ako ng mga tanong tungkol sa buhay. Saglit din naming naitanong ko sa sarili ko kung bakit ganoon ang kanilang mga tanong: ano raw pakiramdam ng isang nag-aaral sa unibersidad, ano ang kotse, bus at jeep; at iba pa sa ganoong tema. Parang hindi nila alam ang makabagong pamumuhay na karaniwan na sa atin. Sa loob-loob ko naman, pare, baka lang malayo sila sa karaniwang buhay kaya hindi nila alam ang mga ito. Sa paano’t-paano man, di ko na rin pinag-aksayahan ng isip bakit. Sumabay na lang ako sa tempo ng gabi.
Habang nagkukuwentuhan kami o tinatanong ako --- na mas madalas-- may nag-aalok din ng pagkain: pastilyas, prutas, kendi, at isang parang biko o sinokmani. Kain din ako, pare, natural, nguni’t pinipili ko lang iyong mga kulay puting pagkain. Di ko alam kung bakit. Ang iba ay kumakain ng pagkaing pula o madilim na abuhin ang kulay, pero automatic iyong mga puti ang kinukuha ko. Masarap din, kahit medyo iba ang lasa kesa sa karaniwan nating pagkain.
Nag-enjoy ako sa umpukan, hindi dahil ako ang star, kundi dahil masaya ang lahat. Parang walang mga problema. Pati nga si Ederlyn madalas ay hindi ko alam kung ano ang ginagawa at kung nasaan. Tuwing makikita ko naman ay nakangiti kaya alam ko walang problema kaming dalawa. Sa kalaunan ay nakiumpok na rin siya sa amin ng matagal-tagal, at nang magkapuwang ay sinabing magpaalam na ako sa lahat at ihahatid na niya ako sa labas. Napansin ko ngang ang iba ay tila nagpapaalam na, kaya’t wala rin akong tutol. Pamaya-maya nga ay nagpaalam na ako sa mga magulang ni Ederlyn, at sinabing enjoy talaga ako sa gabing iyon. Natutuwa naman daw sila doon, at binilinan pa akong bumalik kung gusto ko. Anytime daw, dahil ang mga kaibigan ni Ederlyn ay kaibigan na rin nila. Pero bago pa humaba ang paalaman ay sinaklit na ako ni Ederlyn sa braso, at nagmamadaling hinila palabas.
Hindi na niya kinuha pa ang tiburin, pare, at naglakad na lamang kami ng mabilis papuntang gate ng bakuran. Tatanungin ko sana bakit ganoon siya kaapurado, pero di ko pa naibubuka ang bibig ko ay sinabihan na niya akong huwag na akong magtanong. Basta magbilis na lang ng lakad, na ginagawa ko na nga.
Pagdating namin ng gate ay sinamahan niya ako palabas ng kaunti, hinalikan sa pisngi, at binilinang mag-ingat, sabay pasok sa loob nguni’t tumayo lamang sa kabila ng mga rehas na bakal. Pagtingin ko sa Silangan ay nakita kong halos puputok na ang araw, kaya hinintay ko munang sumungaw iyon sa kabila ng mga bundok. Pagkuwa’y nilingon ko sa Ederlyn upang magpaalam bago lumakad papunta sa motor nang mapatda ako: wala si Ederlyn, wala ang gate, wala ang bahay, wala ang bakuran! Ang nakikita ko ay bahagi ng gubat na may malaki at mayabong na kahoy sa gitna! Kinusot ko ang mga mata ko, nguni’t hindi nagbago ang larawan sa harap ko. Nangalisag ang aking balahibo, at tumakbo na ako! Tumakbo nang tumakbong nagsisisigaw!
Pagmulat ng mga mata ko ay napagtanto ko agad na nasa sariling kwarto na ako, at gutom. Bago pa ako nakatayo ay pumasok na si Inang, na bumubulalas ng pasalamat sa Panginoon at gising na ako. Nang tanungin ko kung bakit ay nagkuwento na habang pinakakain ako.
Tatlong araw na raw akong nawawala –hindi ako umuwi mula noong gabing nanghiram ako ng motor—nang matagpuan ako sa pinag-iwanan ko ng motorsiklo. Tila nababaliw daw ako noon, ligaw ang mga tingin, di nakakakilala ng tao, inaapoy ng lagnat at may binabanggit lagi na pangalan daw yata ng babae. Mabuti daw at may nagmagandang-loob na iuwi ako sa amin, pare, kung hindi ay hindi nila malalaman kung ano ang nangyari sa akin.
Isang linggo naman daw akong me lagnat, at hindi malaman ng doktor na tumingin sa akin kung ano talaga ang dahilan ng lagnat ko. Ang albularyo naman, ayon kay Inang, ay iisa lang ang binanggit: may nakatuwa sa akin. Pero lagi namang ganoon ang sinasabi ng mga albularyo, di ba?
Ayon pa kay Inang ay humupa lamang ang lagnat ko at dagli akong gumaling nang mapasakamay ko ang isang sobre na inihatid ng isang batang hindi nila kilala at mukhang estranghero sa lugar. Basta lang daw iniabot ang sobre nang matiyak na dito nga ako, at umalis na. Ni hindi nagpakilala o nagsabi kanino galing ang sobre. Nilingon ko ang sobre, nasa ibabaw ng lamesita sa tabi ng hinihigan ko. Ibinigay ni Inang ang sobre sa akin. Puti. Blangko maliban sa pangalan ko sa ibabaw.
Pag-alis ni Inang ay binuksan ko ang sobre. Sulat ni Ederlyn. “Alex. Kami man ay marunong ding magmahal. Ederlyn”.
Natawa na lamang ako ng marahan.
Back to top Go down
Guest
Guest
avatar


a very short story... _
PostSubject: Re: a very short story...   a very short story... EmptyMon Mar 23, 2009 8:33 pm

AYYYYYYYY INFAIRVIEW KUYA SHIN SHORT STORY NGA WAHAHAHAHAHAHAHAH
Back to top Go down
joy mari
President
joy mari

CP# : 09057871153
Reputation : 0
Registration date : 2009-02-27

a very short story... _
PostSubject: Re: a very short story...   a very short story... EmptyWed Mar 25, 2009 2:51 pm

wow... ang haba nman ng short story mo

halos maluwa mata ko sa kakatititg sa monitor,,,hehehe


peace
Back to top Go down
joy mari
President
joy mari

CP# : 09057871153
Reputation : 0
Registration date : 2009-02-27

a very short story... _
PostSubject: Re: a very short story...   a very short story... EmptyWed Mar 25, 2009 3:00 pm

pero infairness,, kaupay san short story na halaba

haha


naantig ang puso ko

charrrr
Back to top Go down
Guest
Guest
avatar


a very short story... _
PostSubject: Re: a very short story...   a very short story... EmptyThu Mar 26, 2009 11:10 am

CHARRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRR MANDER..
Back to top Go down
nigHt_fAll
Associate Editor
nigHt_fAll

CP# : nevermind...
Reputation : 0
Registration date : 2009-03-02

Vampire Clan
Level:
a very short story... Charts6/10a very short story... Chartg  (6/10)

a very short story... _
PostSubject: Re: a very short story...   a very short story... EmptyThu Mar 26, 2009 1:47 pm

kahubya magbasa short story nuh?!

hehehe!
Back to top Go down
Guest
Guest
avatar


a very short story... _
PostSubject: Re: a very short story...   a very short story... EmptyThu Mar 26, 2009 1:49 pm

MAY TAMA KA 'TE......JEJEJEJE CHAR
Back to top Go down
dying fetus
Bass / Vocals
dying fetus

Reputation : 0
Registration date : 2009-03-05

Vampire Clan
Level:
a very short story... Charts0/0a very short story... Chartg  (0/0)

a very short story... _
PostSubject: Re: a very short story...   a very short story... EmptyThu Mar 26, 2009 10:12 pm

hehehe (X_x)
wara ko basaha..
nano an summary san short story?(para sa mga matiyagang nagbasa! a.ahw)
Back to top Go down
Admin
Founding Administrator
Admin

CP# : can not be reached
Reputation : 0
Registration date : 2009-01-08

Vampire Clan
Level:
a very short story... Charts29/30a very short story... Chartg  (29/30)

a very short story... _
PostSubject: Re: a very short story...   a very short story... EmptyFri Apr 03, 2009 7:38 pm

Shin, is this your original work?
Back to top Go down
avrea
Band Manager
avrea

CP# : . . .Oh soRry... diSconnected
Reputation : 1
Registration date : 2009-02-02

a very short story... _
PostSubject: Re: a very short story...   a very short story... EmptySat Sep 12, 2009 4:23 am

♥️ May Emotion din pala ang mga Engkanto noh???

weTwew!!!!

GinDaay Ka shin..este, alex!!!
Back to top Go down
nigHt_fAll
Associate Editor
nigHt_fAll

CP# : nevermind...
Reputation : 0
Registration date : 2009-03-02

Vampire Clan
Level:
a very short story... Charts6/10a very short story... Chartg  (6/10)

a very short story... _
PostSubject: Re: a very short story...   a very short story... EmptySun Sep 13, 2009 11:45 am

the fuNny tHing iz...

mahaba din ang SuMmary
ng sHort story na LoNg nman pla...

hehehe

adik?

---cnu_BaD3p???---
Back to top Go down
Sponsored content




a very short story... _
PostSubject: Re: a very short story...   a very short story... Empty

Back to top Go down
 

a very short story...

View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Create a forum | ©phpBB | Free forum support | Report an abuse | Cookies | Forumotion.com